SARILING SALAT SA SUSO
Paalala:
Gawin ito isang linggo matapos ang regla o mens kung kailan ang suso ay hindi masakit salatin.
Sa mga hindi na nagme-mens, gawin ito sa parehong araw bawat buwan.
Huwag magulat kung maraming masalat na maliliit na bukol. Kadalasan ay normal ang mga ito. Punahin ang anumang pagbabago.
Magpaturo sa doktor, nars, midwife, o barangay health worker para siguradong tama ang pagsalat.
Pagsuri ng Anyo
01
Humarap sa salamin, ilapat ang mga kamay sa baywang at yumuko nang bahagya.
02
Hilahing pasulong ang mga balikat at siko at damahin ang paninikip ng muscles sa dibdib.
03
Tingnan ang anumang pagbabago sa suso, at punahin kung ang nipple ay pumaloob.
04
Pisilin nang bahagya ang nipples at punahin kung may lumalabas.
Pakiramdaman ang Kilikili
✓
Suriin ang bawat kilikili habang nakaupo o nakatayo at ang braso ay bahagyang nakataas para mas madaling salatin ang bahaging ito.
✕
Kapag nakataas nang tuwid ang braso, mas mahirap ang pagsasalat.
Mahalagang malaman kung ano ang karaniwang pakiramdam at itsura ng iyong suso.
BREAST SELF EXAMINATION
Reminder:
Gamitan ng tatlong uri ng diin ang pagkapa.
Ang magaan
ay para maramdaman ang tisiyu na pinakamalapit sa balat.
ay para maramdaman ang tisiyu na pinakamalapit sa balat.
Ang katamtamang diin
ay para maabot ang mas malalim na parte ng dibdib.
ay para maabot ang mas malalim na parte ng dibdib.
Ang pinakamariin
ay para makarating sa mismong dibdib at tisiyu sa buto-buto.
ay para makarating sa mismong dibdib at tisiyu sa buto-buto.
Gamitin ang bawat uri ng diin isa-isa. Huwag alisin ang mga daliri sa balat para maka-sigurong walang nakaligtaang bahagi.
Pagkapa sa Suso
01
Mahiga nang lapat ang likod at nakataas ang kaliwang braso. Maglagay ng unan o tuwalyang nakatupi sa ilalim ng kaliwang balikat.
02
Gamitin sa pagsasalat ang umbok, hindi dulo, ng tatlong gitnang daliri. Siguraduhin na laging magkadikit ang tatlong daliri.
03
Panatilihing tuwid ang mga daliri. Ilapat ang umbok ng mga daliri ng kanang kamay sa kaliwang suso.
04
Salatin ang dibdib mula sa kilikili. Ulit-ulitin ito, pataas at pababa, hanggang masalat ang buong suso.
05
Salatin ang ilalim ng nipple.
06
Ulitin ang pagkapa sa kanang suso gamit ang kaliwang kamay.
Isangguni sa health worker o doktor ang anumang bukol na makakapa sa suso.
MAAARING SANHI NG PANGANIB
Wala pang katiyakan kung paano nagkakaroon ng kanser sa suso. Ang alam lang ng mga dalubhasa ay ang “risk factors” o maaaring sanhi ng panganib.
Ang mga posibleng sanhi ng panganib ay anumang bagay na maaaring magpataas ng pagkakataong magkaroon ng kanser sa suso.
Subalit ang pagkakaroon ng “risk factor” ay hindi nangangahulugan na ikaw ay magkaka-kanser. Sa kabilang dako, maraming babaeng nagkakaroon ng breast cancer na wala namang “risk factor.”
Ang mga risk factors o maaaring sanhi ng panganib:
Edad
Pagtanda
Family History
lalo na kung ang malalapit na kamag-anak ay nagkasakit nito, tulad ng nanay, anak, at kapatid na babae
Personal Medical History
kung nagkaroon na ng kanser
Maagang pagkakaroon ng regla bago dumating sa edad na 12 taong gulang
Matagal bago mag-menopos, higit sa edad na 55 taong gulang
Hindi pa nanganak o unang nagkaanak sa edad na 35 pataas
Kapag mabigat ang timbang
Pag-inom ng alak
Paninigarilyo
Matagal na paggamit ng Estrogen Replacement Therapy (ERT)
MGA ALITUNTUNIN PARA MAAGA MADISKUBRE
Salatin ang sariling suso kada buwan.
Maliban sa pagsalat ng sariling suso, magpatingin ng dibdib sa doktor o nakapagsanay na health worker kada taon.
Ipagpatuloy ang pagsalat sa sariling suso at pagpapatingin sa doktor at simulan ang taunang mammogram.
MAY LUNAS ANG BREAST CANCER LALO NA KAPAG MAAGANG NADISKUBRE